MATH-irap ba talaga o Pinapa-MATH-irap mo?

MATH-irap ba talaga o Pinapa-MATH-irap mo?

MATHirap

**********

Bakit ko ba kailangan mag-aral sa Math? Pag ba magtratrabaho na ko, kailangan ko pa sukatin ang mga angle angle sa bawat gagawin ko? magpapatayo ba ako ng mansyon na ang area ay equal sa seventh root of xy minus x cubed plus 4y squared x over 2sin30cos60 plus ln 350 raised to infinity! o kailangan ko pa isimplify lahat? blah blah blah. sayang naman ang oras, pawis, utak, pati na tinta ng ballpen ko (eh lalo na pag g-tec 0.4 at frixion pa ballpen mo, bawat sulat kaya nun mahal haha)? Bakit ba importante malaman ang equal ng (x+y)2 at ang (x2+y2) Kaya minsan kapag hindi na kaya, sisisihin mo yung mga nag-imbento ng Math. Hahaha Sino ba kasi nag-imbento nito?! Gagamitin ba natin to kapag bibili tayo sa palengke x+y?

Matindi na ang isang given sa Math kung saan pinagsama-sama na lahat ng mahirap sa mundong ibabaw. Kawindang itechawa! May fraction na, may exponent na, may bracket na, may parentheses na, at may decimal ka pa! Tapos maloloka ka na kasi sabi unahin daw ang nasa bracket. Pero mas lalo kang mayayamot dahil may exponent pa pala at yun pala dapat ang unahin. Eh kala mo naman whole number yung katabi ng exponent at bracket, eh FRACTION pala yun. Ulit ka ulit. At umulit ka pa. At sige punit ng papel. At sigi bura.At sige pa. At halabira! Sige lang ulitin mo pa. Malapit ka na sa sagot.Kerubumbum mo yan!

Isa ka ba sa mga taong sumusumpa sa Math? Kahit ano bang pukpok sa ulo mo di mo makuha-kuha ang math equations? Ito ba yung subject na panira at epal sa mga grades mo at class card mo? Nakailang exam ka na sa Math pero di mo padin master no? Galit na galit ka din sa math no?

Image

Alam naman natin na tayong mga future programmer na ay Logic ang puhanan. Math ang pundasyon. Nganga ang di marunong. Hahahahahahaha. Pero syempre matutunan din natin yan mga karamay sa math, TIYAGA lang!

Image

Sabi ng mga estudyante madali lang naman daw ang College Algebra at ang College Trigonometry, + with matching sinister grin ng prof “Madali lang iyan class. Basic lang iyan, mga pinagaralan niyo lang yan nung High School kayo. kayang-kaya niyo yan” . Ako lang ba talaga alien na di makaintindi-intindi at hirap na hirap sa Math? MATHirap ba talaga o PinapaMATHirap ko lang. Let’s find out.

The true story why I hate math..

I was always a failure at math. Numbers never like me.

Nung elementary ako mahilig ako sa Math. mahilig akong sumali sa mga Math Quiz Bee’s basta Math-Mathsaya! pero nung start nung grade 5 ako. (sa pagkakaalam ko grade 5 ako non) humina ako sa Math. lalo na nung tumapak pa ko sa High School. Siguro dahil nawala talaga yung interest ko sa Math. lalo na nung High School ako ng naging mahina talaga ako sa Math at pakiramdam ko bumaba ang IQ ko gawa ng lagi akong hindi nakakatulog non (insomia kumbaga), laging puyat at palaging lumilipad ang utak ko. Medyo na overload din sa mga activities at di na natuunan ng pansin ang Math. Madami na akong advices na narinig mula sa mga taong matatalino sa math, mga kaibigan ko, teachers, mentor at syempre sa magulang ko. Pero madaming pagkakataon na nagiging self-pity ako. I have a deterioration of the brain (The results of physical brain deterioration can be dramatic. They include neurocognitive deficits, such as diminished attention span, verbal skills, spatial perception, deficits in abstract thinking and creativity, along with increased difficulty learning new tasks and retaining new information, flagging memory, and deteriorating sleep quality.) Pero ayokong i-declare. I know I am healed because God is my healer. at ayokong isipin na meron akong ganun. Nung wednesday, masyado akong emotional ng dahil sa Math. Oo, talagang iniiyakan ko ang Math since nung third year ako. Naiinis ako pag hindi ko makuha. Kahit na alam kong kaya ko. Kung kaya nga ng iba edi kaya ko din di ba? Pero pag nakikita ko na yung mga sasagutan ko sa Math nakakapanglumo at napanghihinaaan talaga ko ng loob. Ewan ko ba. Last week (Friday) nagkaroon kami ng Quiz sa lahat ng subjects. at dalawa na doon ay Math subj. (College Algebra at College Trigonometry). sa English nakakuha ako ng 78 (Nagtanong pa ko sa prof. namin kung bakit ganun lang nakuha ko. tapos sabi niya mataas na daw yun. Hahaha, 0-base nga pala. pero may isang naka-100 samin. sayang naman kahit sa English kapos pa din -_- ) O tanongin niyo naman ako sa math kung ilan nakuha ko? Hindi ko natapos ang algebra ganun din ang trigo sobrang disappointed talaga ko sa abilidad ko sa Math last week. hindi ako maka-move on non for the whole week ng dahil sa mga di ko natapos sagutan. para bang wala talaga kong tinatago kahit unting galing sa Math. at talagang wala. Nung panahon iyon, naisip ko ngayon di na ko nagtataka kung bakit mahina ko sa mga entrance exams kung bakit hindi ako nakapasa sa mga pinagexam’an kong University. at kung bakit hindi talaga ko nadala sa Engineering. siguro nga. siguro nga. kung anu-ano ng pumasok sa utak ko. Siguro nga di talaga ko matalino sa Math. Sa trigo 55 lang nakuha ko. tapos sa algebra hindi samin sinabi pero dalawang Test ang di ko nasagutan. Yung Test B at yung last part na prove. nasagutan ko yung unang Test pero nagkabali-baliktad yung na multiply ko. Sobrang baba ng mga nakuha ko. Wala naman akong dapat sisihin kundi ang sarili ko. Tapos nung wednesday, hindi na kinaya ng sarili kong umiyak. Nagkaroon kami ng grouping sa College Trigonometry. may ibibigay na sasagutan si Sir sa board. at kailangan naming masagutan syempre.. Eh may +20pts. kasi sa Prelims. Ako lang ata ang kinakabahan sa lahat ng magkakaklase. Gustong-gusto ko maperfect. Samantalang yung iba kong classmate lalo na yung mga matatalino sa Math sobrang chill lang sila samantalang ako, sobrang kabamuch talaga hahaha. Breathe & take a break! Nananalangin na kong masagutan ko talaga lahat. Syempre ayoko din kasing ma-disappoint yung mga kagrupo ko sakin. kumbaga kung di ko aayusin pati sila walang +20pts. sa exam, lalo na’t inaasahan pa naman nila ko. naku. Sabi pa ni Patrick Non, kayang kaya na ni Sheim yan. Sa isip ko, hala ako? paano na to? hindi ako magaling sa Math. tapos yung chukchakchenes na .11 na sinasagutan namin Math Error pa sabay Syntax Error. Salamat ha. hmp. Sobrang mabagal ako magsagot. Matagal mag function ang utak ko gawa ng deterioration of the brain ko. here we go again, flagging memory. Hinati ko kami sa dalawang grupo sa number 2 kami nina Patrick Non, at yung isa namin bagong kaklase ang nagsagot. at yung number 1 sina Bien Simeon, at Amiel Lopez at the rest na mga natira. Naprepressure na ko ng marinig kong +20pts. ang ibang grupo. habang kami madaling madali na matapos. natapos namin yung number 2. yung number 1 naman di nasagutan nina Bien. at hindi pa namin napansin na may number 3. Kahit +1 point man lang wala kaming plus (+) kahit pinilit ko pa si Sir na +5pts. man lang kasi tama naman yung number 2, wala pa rin. Ayun nung lumabas na mga classmates ko pinipilit kong di lumuha pero di napigilang pumatak mga luha ko. May phobia na ata ako sa Math dati pa. Dati ko pa naman iniiyakan yung Math. kaya nagflashback na lang lahat ng mga kahinaan ko sa Math. Hindi ako umiyak ng dahil di kami nakakuha ng +20pts. naging self pity lang talaga ko na ang pakiramdam ko ang hina hina ko sa Math. nakakainis. Mahal ko ang Math pero bakit hindi ako mahal ng Math :'(((( Pinipilit ko magaral sa Math kaso mukhang ayaw talaga sakin ng Math. Akala pa nina Amiel galit ako sa kanila dahil di nila natapos yung binigay kong sasagutan nila pero hindi, sinisisi ko talaga yung sarili ko na napakabagal ko magsagot. At pati sila nadamay kasi di ako magaling sa Math. Lagi na lang ako nahihirapan pag time pressure. katulad nung quiz namin sa Math nung lastweek (friday) nakikita ko yung katabi ko na nasa Test B na habang ako number 2 pa lang sa Test A. huhuhuhu. Dahil may papasok sa Room 203 ayoko namang may makakita saking naiyak. Tumakbo ako ng C.R ng umiiyak at nakatungo. doon ko binuhos lahat. Nagpapacomfort lang ako kay Lord hanggang sa canteen at hindi ako kumaen nakinig lang ako ng Worship Songs. tapos umakyat ng Library ganun pa din nakatungo at nagpapacomfort kay Lord. hanggang sa lumabas ako ng library pumunta ko dun sa likod ng library kung saan maganda yung view at mas nakakarefresh ang hangin. Nagkwento lang ako kay Andrea at kinomfort niya ko. Maya-maya pumunta na kaming room. tapos tulala lang ako ng bigla kong sabihan ng classmate ni kuya na si kuya tobi na umiiyak daw ako. kaya pumunta muna kong canteen bumili ng milo. Salamat din Liriel Alvarez at Mariella Mercado sa pag-comfort. Tapos nun pagkabalik ko sa classroom nagisip-isip ako. na kung palagi lang ba kong magiging self pity at iisipin ko na di ko kaya may manyayari ba sakin? Oo nga no. Pagtapos akong i-comfort ni Lord agad-agad naman niya ko binigyan ng wisdom. Na kaya ko to! Matututo din ako kailangan ko lang mag-aral ng mabuti sa Math. Kung sana pala high school pa lang inintindi ko na yung mga tinuro sa algebra at trigo, kung sana nagkainterest na ko sa Math una palang at kung sana di ko pinaeasy easy di sana di ako nahihirapan ng ganto. Kung sana lang talaga. narealize ko na malaking pundasyon din pala ang pagaaral nung high school. Nakakapangsisi pero alam kong di pa huli ang lahat.

aa5161ae40731b203bda73c28e554002

Para sayo ano ba ang Math at Paano ba mapapadaling intindihin ang Math? (Let’s hear it from the math experts):

Math? Just like a life with one problem and answer. Paano mapapadali? Do the basics. In short kung san ka mas comfortable yun ang gawin mo. Pinaka madali, nood ng youtube regarding problems.

Engr. Jethan Jeff Dulay

Ang math para sakin? yun yung para siyang word puzzles. Maiintindihan mo lang ung math kung aalamin mo kung anu ano yung basics. Madali yan kapag master mo yung mga basic math.

– Engr. Jeff Dreo

Math is all about calculation and solutions that you will encounter in our daily life. How to make it easy? I think you’ll just analyze it deeply and learn to be patient to all the calculation until you get the answer.

Engr. Ralph Madronero

Ang math pala for me, Hindi lang sya consist of numbers, variables etc. It’s more on being persistent to analyze and solve problems. Yung hindi mo, basta basta sinusukuan until you know how you come up with that answer. Gumamit ng code switching, kasi not everyone can understand English very well, tapos good approach ng professor as students if there are questions, para may interaction at the same time, natatanong ng students yung prof. sa mga Hindi nila naintindihan .

Engr. Elcia Marata

Math makes people cry But if you learn it, it will make you smile.  Math is fun if you know how to solve, Math is boring if you don’t know how to. The best way to understand it easily is by practicing it always.

Engr. Lyndon Libed

Ang Math para sa akin, isa siyang “Discipline” kasi dito mo masusukat kung gaano ka katiyaga sa isang bagay. Kung sa mga simple problems eh wala ka ng tiyagang palabasin ang sagot sa bawat problema what more sa totoong problema edi wala ka na ding tiyaga. Paano mapapadali ang Math? Simple lang. Mag practice ka mag solve. Kung hindi mo kaya mag isa mag solve magpaturo sa Math Prof. At ang pag aaral ng math hindi kung kelan mo lang gusto. Dapat inaaraw araw yan kahit 1.5 hours per day.

Engr. Patrick Mosquera

Ang math ay isang subject na iba sa lahat . Ang math ay isang skill na hindi masyadong kailangang mag memorize . Um mapapadali ang math kung uumpisahan muna sa basic hangang sa mas matataas na level nito .

Cedrick Untalan

Math ?? Yun yung subject na kailangan ng matinding pagiisip concentration.. It’s all about numbers kaya kung minsan masakit sa ulo pero once na naintindihan mo na ung buong subject magiging madali lng to. Para namann mabilis lng maintindihan tong subject na to.. walang madaling way actually you need to study it.. tas magfocus ang seryosohin dapat hindi ung ginagawang joke lng.. karamihan kasi sa mga estudyante ngayon porket alam nilang mhirap yung math di na nila iniintindi kc alam nilang di nila kaya w/c is wrong.. kung iintindihin lng nila mas magiging madali yun.

– Ricky Berug

Math ay pag-aaral tungkol sa paano mo masosolve ang isang problem kahit anong problem, basta isipin mo lang na para ka lang nag-aaral ng iba pang mga subject.

– Kyle Avedaña

Para saken yung math, nakakatakot. Pero nakakaenjoy. HAHAHA mas magiging madali siya intindihin kung magaling yung nagpapaintindi sayo.

Angela Cruz

Math is very complex but it can be easy by enjoying it and applying it on your personal life.

Samantha Sarcia

You need to love it. because if you don’t love it how can you understand what is math. Kailangan talaga mahal mo ang isang bagay para mas madali.

– Arnold Bartolini

Medyo drama to pati malalim. ‘Yung math po para saken, para siyang isang little “challenges”. Kumbaga sa buhay, parang eto ‘yung kung papano gawin ang isang sirang tv, magsaulo ng mga ganto at ganyan, kung paano ka matututong magswimming. Syempre mahihirapan ka sa umpisa, yung feeling mo sa sobrang hirap, susuko ka na. Pero kahit ganon, kahit alam mong mahirap, nakakaenjoy pa din. ‘Yung tipong, curious ka kung ano yung result na makukuha pagkatapos ng mga effort mo. Wala naman nakakapagpadali sa Math. Actually hindi siya ganon kahirap (wala sa pagmamayabang ha. :P), kailangan mo lang magenjoy sa ginagawa mo. Make Math your passion lang.

John Rey Tungul

Math is interdependent with science.. Math helps us understand science, science improves math. 

Melchor Ortaleza

Math, parang life. May kulang, may nawawala, may problem, pero at the end… nahahanap, nakikita kasi may formula, and theres always solutions in every problem… And syempre may specific formula sa bawat problems. Hindi mo masasagutan ng tama kapag ang solution mo palang mali na.

– Renato Alba

Masasabe ko lng sa lahat ng di nakakaappreciate sa math eh sila yung hndi alam kung para san ba talaga ang math.

Jefrey Silang

Kung hindi mo kaya ngayon, hindi ibig sabihin hindi mo na kaya habang buhay. Mahirap pero kakayanin kung hindi mo susukuan.

Tyrone Jasper Reodica

Tips sa Math from ememalberts (http://memealberts.wordpress.com/tag/help-in-math/)

1. HUWAG MONG ISIPING MAHIRAP ANG MATH. Ang nangyayari kasi, wala pa yung problem iniisip mong mahirap kaya inaabsorb ng utak mo at buong katawan mo, ang nangyayari tuloy nagiging close minded ka at inaayawan mo na yung lesson. Puro ka nalang “ANG HIRAP! ANG HIRAP!”

2. Learn and MASTER the basics. Dapat mani nalang sayo mag-add, subtract, multiply at magdivide ng simpleng numbers. Sounds elementary huh? Pero believe me kasi kung hindi ka marunong sa basics, paano pa kaya yung komplikado(DUH!)? Tsaka yung operations of integers. Alam ko medyo masakit siya sa ulo pero kapag namaster mo na yung mga equation na may iba-ibang signs, magiging madali nalang yung iba pang problem.

3. Take down notes(especially yung mga example). Makinig ka sa klase. Sayang naman laway ng teacher kung hindi ka makikinig di ba? Wag mong idahilan sa akin na hindi mo maintindihan. Kung willing kang umintindi, magegets at magegets mo yan. Huwag kang mahiya magtanong. Hindi naman porket nagtanong ka eh indication nun na mahina ka, ibig sabihin lang nun willing kang matuto.

4. Siyempre hindi lang practice. CONSTANT PRACTICE. Kapag alam mong hindi mo gaano nagets yung lesson, aralin mo notes mo. Pag-aralan mo yung diniscuss tapos magpractice ka. Kuha ka ng papel, kunin mo yung problem(yung problem o question lang ha) tapos ilayo mo notebook mo sayo. Try mo kung kaya mo na ba siya isolve. Kung hindi pa, review mo ulit notes mo until makaya mo na. Sanayin mo sarili mo sa ganitong routine, sinasabi ko sayo TIYAGA LANG TALAGA.

5. As you go along the way with Math, mapapansin mo yung patterns ng Math. Pare-pareho lang naman kasi halos yung mga ginagawa sa Math(ex. basic operations) familiarize yourself with the patterns at magiging madali nalang ang mga bagay-bagay sayo.

6. Dahil mahihirap ang Math hw, siyempre kumokopya din pero make sure na magpapaturo ka dun sa kinopyahan mo. Kung hindi sa kinopyahan mo, dun sa marunong. Wag mahiyang magpaturo, kaklase man o teacher. Pero kung kaya mo na, ikaw na mismo gumawa ng assignment o homework mo. There’s no harm in trying.

7. Give time for Math. Para yang kasintahan, bigyan mo ng oras at gaganti sayo(in a good or bad way depende kung paano mo siya tinrato). Mahalin mo siya, mamahalin ka din niya.

8. Wag mo icompare ang sarili mo sa ibang tao pagdating sa Math. Ang issue ay ikaw, kung natutunan mo ba yung lesson at kung papasa ka ba? Mind yourself, not others. Kung magaling siya, eh di siya na. Kung ikaw hindi pa, eh di mag-aral at magpractice ka.

9. Hardwork, determination and commitment. Do I have to explain this?

10. Last resort na ito. Kung hindi mo talaga makuha, maghire ng tutor. O kaya kausapin ang isang kaibigan na magaling sa Math tapos sa kanya ka lagi magpaturo. Last thing nga pala, yung mga willing lang matuto ang tunay na natututo.

7e676e9e663beb40fd133f5ee24487c2

Just like what Sir Anothony Sibayan said on our first day in class.

**********

“Simplify the complicated” at hindi “Complicate the simple.”

In most cases, liking math in the first place comes from being good at it, and if you’re good at it, you probably don’t need help learning math facts. How if I’m not good at it? 😦 For many of us, math is drudgery: doable, but requiring so much work and practice and intensity of focus that it becomes too much, and we turn off to it. “Math is hard for me” becomes, “I hate math,” and usually quite quickly. But now, I want to change my perspective when it comes to Math. I know I can do this. I know I’m better than this. Since Monday is our first prelim examination, I have to study hard either love it or hate it.

 Mahirap ang subject na ito, at mapapatingin ka sa langit para humingi ng gabay at para maintindihan mo yung lesson. Pero hanggang ngayon napapaisip pa din ako, bakit kaya may mga hinahanap na ‘x’ and y, bakit may slope, range, domain.. Yung mga ganun! Kawindang eh!

Sabi nga ng classmate ko nung quiz namin, MATH – It should be analyzing, understanding and learning how problems are being solve because not all the time you can still memorize those steps but if you learn how to solve those problems its easier for you to find any solution to that. Remember, its better to know how that happened than just memorizing the steps to make it happen.. Hahaha anyway. That’s only my opinion.

Totoo naman. Sha, tatalino din ako sa Math. Hahahaha. Ang anak ng Diyos, matalino! kailangan lang ng determinasyon, tiwala, willingnes, at tiyaga.

I can do all this through Him who gives me strength. – Philippians 4:13, NIV

photo-credit-deviantart-com

Faith without action is death.

Advertisements

3 thoughts on “MATH-irap ba talaga o Pinapa-MATH-irap mo?”

  1. math is full of twist na parang yung tanong pinaiikot ikot lang plagi. pero tama naman sila.. the most important is you know what is the basic principle in math. and also we need more practice especially sa mga simple things na nakikita natin plagi…

  2. Ate. ano pong course nyo? hehe.

    Relate na relate po ako sa post mo. Naiiyak ako habang binabasa ko. 😭😭 grabe. Nagbulakbol po kasi ako dati at napabarkada.. kaya ngayon eto nganga sa math. Nakakaiyak. 😥 tapos yung kukunin kong track ngayon para sa Grade 11 and 12 ay STEM. Kung familiar po kayo dun. STEM yung kukunin kong track kasi under nya po yung course na kukunin ko. 😦 Stem? Science Technology Engineering Math. Napakalakas po ng loob ko para kuhain ko po to no? Huhu. kaiyaaak. Madaming nagsasabi na lumipat nalang ako o kaya Goodluck nalang daw sa buhay ko huhuhuuu. Grabe. 😭 Pero ngayon, willing na talagaa akong matuto, sana lang talaga makisama tong utak ko. Huhuhuu (nagkwento na ko e hehe) btw. Ate, mukang parehas po ata tayo ng religion kaya nakakatuwa po. 🙂 hehe. Salamt po Godbless. 🙂

  3. Ate. ano pong course nyo? hehe.

    Relate na relate po ako sa post mo. Naiiyak ako habang binabasa ko. 😭😭 grabe. Nagbulakbol po kasi ako dati at napabarkada.. kaya ngayon eto nganga sa math. Nakakaiyak. 😥 tapos yung kukunin kong track ngayon para sa Grade 11 and 12 ay STEM. Kung familiar po kayo dun. STEM yung kukunin kong track kasi under nya po yung course na kukunin ko. 😦 Stem? Science Technology Engineering Math. Napakalakas po ng loob ko para kuhain ko po to no? Huhu. kaiyaaak. Madaming nagsasabi na lumipat nalang ako o kaya Goodluck nalang daw sa buhay ko huhuhuuu. Grabe. 😭 Pero ngayon, willing na talagaa akong matuto, sana lang talaga makisama tong utak ko. Huhuhuu (nagkwento na ko e hehe) btw. Ate, mukang parehas po ata tayo ng religion kaya nakakatuwa po. 🙂 hehe. Salamt po Godbless. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s