Tanggap ko na pero, Ang sakit pa din!

May mga bagay na kahit tanggap mo na, di mo parin mapipigilang masaktan pag naalala mo ulit. Yung pag naaalala mo ulit, maiinis ka, mapapasigaw ka, matutulala ka, mapapakiss ka sa dingding, mapapasplit ka, mapapaumpog yung ulo mo, mapapa’ouch ka, at masasaktan ka talaga.

Pero kahit ano namang drama ang gawin mo, kahit anong pagmumukmok mo, wala na. Hindi mo na mababalik yung oras. Ang kailangan mo na lang gawin ay tanggapin ng tuluyan at ibaon na ito sa lupa. May mga panahon talaga sa buhay natin na kailangan nating tanggapin.

Pero bat’ ang sakit sakit pa din?

Apat na bagay na tanggap ko na pero ang sakit sakit pa din sa tuwing naaalala.

1. HINDI AKO NAKASAMA NG FIRE CAMP

Last month pa inannounce na merong fire camp (youth camp) sa darating na December 28-30. Syempre ang nasa isip ko naman “ay matagal pa naman yun” di muna ako papaalam. Mahaba pa yung panahon kaya sa december na ko magpapaalam. Makakapaghanda pa naman siguro ako non. Nakalipas ang mga ilang araw.. teden! Hala december 25 na, hala december 26 na, hala december 27 na, ay bukas na yun! Hanggang sa ako na mismo yung nagdecide na di na ko makakasama. Aside sa wala akong pambayad. Late na ko nakapagpaalam. Paniguradong di ako papayagan nun lalo na’t kagagling ko lang sa outing at sunud-sunod na pag-alis sa bahay tapos alis ulit, di talaga na ko mapapayagan nun. Sad. Hanggang sa naging december 28, tuluyan na kong di nakapunta ng camp. Nag uumpisa na ang ‘Inggit Factor’ ayoko siyang maramdaman pero yon ang naramdaman ko after the service. Pakiramdam na ‘sana pala nagpaalam ako ng maaga’ Lalo na’t inaasar asar pa ko ng mga minions na ‘de wala wala wag niyo pansinin yan di yan sasama’ Naguiguilty tuloy ako na di ko ginawa yung best ko para makasama. Till’ now nandun pa din yung panghihinayang, Sad.

2. PADALOS-DALOS NA DESISYON

“Ang taong marunong ay makikinig at kukuha ng higit pang turo,” sabi ni Solomon, hari ng sinaunang Israel. Kung minsan, ang karamihan sa atin ay nakagagawa ng di-matatalinong pasiya dahil lamang sa hindi tayo nakinig sa payo ng iba.” — Kawikaan 1:5.

Lahat naman ng bagay pinagdidisyunan, maliit man ito o malaki. Kahit itong pagbasa mo sa post na to, nag desisyon ka rin bago mo to basahin. Hindi mo lang pansin. Ang dali mong mapag-decide no? Isa ata ako dun sa madaling magdesisyon. May mga panahon na padalos dalos akong madesisyon, minsan naman pinagiisipan ko din ito ng mabuti. Pero nararapat na pagisipan muna ang lahat lalo na kung involved ang puso sa pagdedesisyon. Sabi nga nila, ang padalos dalos na desisyon ay minsan nauuwi sa kapahamakan. At malinaw din na sinabi ng Bibliya na: “Ang padalus-dalos ay tiyak na patungo sa kakapusan.”

May mga desisyon na nagdudulot ng mabibigat na kahihinatnan. Samakatuwid, sikaping tiyakin nang patiuna kung ano ang magiging mga kahihinatnan nito. Mag-ingat na hindi ka mabulag sa posibleng di-kanais-nais na pangmatagalang mga resulta dahil sa panandaliang mga pakinabang. “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli, ngunit ang mga walang-karanasan ay dumaraan at daranas ng kaparusahan,” ang babala ng Kawikaan 22:3.

Itong taon na ito (2014), may mga naging desisyon akong padalos dalos. Gusto ko man i-share dito ang mga pagkakataon na iyon pero mas pipiliin ko na lang na i-private iyon. Ang importante sa dulo, Natuto! Lahat naman siguro tayo ay mga momentong ganto. Sa huli, tanggap na natin pero ang sakit sakit pa din. Gawa ng mga consequences na natanggap natin dahil sa padalos-dalos na padedesisyon. Sad. Pero, salamat sa Panginoon, because, “HE’S MERCY AND GRACE STILL REMAINS”

3. NAWALAN AKO NG WALLET

Isa to sa napakasakit na pagkakataon sa isang tao ang MAWALAN ka. Lalo na kung napakahalagang bagay sa’yo nito. Para sa akin, napakahalaga ng wallet, hindi lang dahil sa dito mo nilalagay ang pera mo, ang allowance mo, picture mo (hahahaha), pero sa kadahilanan na ding nandun ang mga ‘remembrances’ na meron ako. I think last last month ata ako nawalan ng wallet. Magkasunod na week ako nawalan. Yung unang wallet na nawala sakin, napakahalaga. Nandun yung mga tickets na inattendan ko, yung gospel card/invitation na unang invite sakin sa CYOD, may lamang P300.00, pictures o remembrance sakin ng mga taong malalapit sakin puso, may cards, ID’s simula nung kinder ako, may mga abububot halo halo. Everyday naiisip ko pa din nawala yung wallet ko, nasasaktan pa din ako. huhuhuhuu. Pero kahit anung ungol ko di na naman yon mababalik. Sad.

4. WALA AKONG NADATNAN SA NUVALI

Ang pinakalast. Dahil pinakalast at recently lang siya. Medyo ouchie pa siya. Fresh na fresh! Tanggap ko na pero sakit pa din. December 22, 2014, pumunta akong nuvali with Bea Samapang, Yap Madronero & Sr. Melchor Ortaleza. Ayon excited na ko. December 21, 2014 pumunta dito si yap pinaalam na ko haha kahit ako yung nagyaya sa kanila. Hanggang sa napayagan na ko. 6PM start nung event hanggang 10PM. So December 22, heto na siya. Maaga pa lang nagdevotion na ko. Imagine isa sa mga 7 big prayer requests ko, masasagot yung isa sa araw na iyon. Kaya excited na excited na ko. Hanggang sa 4:00PM nagprepare na ko. 6:00PM umalis na kami. Byumahe. Kinakabahan ako at the same time, excited na. Yey! Pagdating ayun nakita ko na ay di pala *napasigaw pa ko* wooo! kinakabahan na ko kasi parang wala naman. Baka manghinayang lang ako. Kaya antay pa kami ng ilang oras. Hanggang sa nagdesisyon na kaming umalis na at pumuntang paseo. Naibuhos na lang sa pagkaen. Pero okay lang nagenjoy naman akong nakasama sila. *Sorry, medyo blured.*

10866976_818053401550435_793453804_n

Pero syempre wala naman dapat ituro sa lahat ng ito kung ang sarili mo mismo.

1. Kung nagpaalam sana ako ng maaga at pinagdasal ko ng sobra sobra makakasama sana kong fire camp.

2. Kung pinagisipan ko muna sana ng mabuti.

3. Kung pinaginagatan ko yung wallet ko.

4. Kung inalam ko muna kung may madadatnan ako dun o wala.

Tanggap ko na pero ang sakit sakit pa din! Hehe.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s